ANG PUSO AY NATUTO.
Natuto akong mag mahal ng taong di ako minahal, natuto akong masaktan sa paraang di ko kinayanan , pero bakit kailangan natin matuto? bakit kailangan natin masaktan at manakit ng ibang tao? dahil ba may mga bagay na pag natutunan lalo tayong nagiging determinado o dahil sa paraang ito tayo mag sasanay na wag umasa sa ibang tao? puso ang pinaka mahirap kalaban pero bakit dito tayo sobrang nasasaktan? dito tayo sumasaya? yung tipong unti unting dudurugin yung puso mo, dahil wala na siya sayo? dahil mas iniisip mo na wala lang dahil wala kang karapatan? o dahil tinuturuan ka nitong matauhan? .matuto sa tayong tumanggap ng kamalian ,matuto tayong iwan yung dapat iwan,matuto tayong kalimutan yung dapat kalimutan at matuto tayong tanggapin ang buhay ay may masasaktan at may sasaya pag natuto ka sa pagkakamali mo.
No comments:
Post a Comment