Wednesday, April 13, 2016

TUNAY NA KALAYAAN


Marami sa atin na nagsasabi na ang ibig sabihin ng kalayaan ay ang paggawa ng ating gustong gawin at wala itong limitasyon.Magagawa natin ang ating gustong gawin.kahit ano-ano man ito.Pero ito ba talaga ang tunay na ibig sabihin ng kalayaan? para saakin hindi, hindi tayo mag kakaroon ng kalayaan habang may mga taong kurakot mga taong  gusto ay pera sa pamahalaan , mga pinuno na ay gustong kunin lahat ng yaman ng bansa mga pinunong ginagamit ang tao sa kanilang mga gawa. Sa panahon nga marami nga abusong tao  gumagawa ng mga bagay na makakasira ng kanilang reputasyon gumagawa  ng di tama pumapatay ngag dodroga at iba pa. mga kabataang napapa riwara ang kanilang landas maraming kabataan ang nasasangkot sa mga karumal dumal na krimen.Ito ba talaga ang ibig sabihin ng tunay na kalayaan?
Noon  nung akin kabataan, para sa akin, ang kalayaan ay ang paggawa natin ng ating gustong gawin. Pero ngayon, nalaman ko ang aking isip na ang kalayaan ay ang paggawa ng tama na walang limitasyon . Kailangan natin gamitin ng wasto ang ating kalayaan  .Maraming naghahangad na mga tao ng tunay na kalayaan.Gaya ng ating mga bayani, lumaban talaga sila para sa ating mga kalayaan kaya huwag nating sayangin ang kanilang mga sakripisyo.Sila ay nagbuwis ng buhay para makamit lamang ang inaasam-asam na kalayaan.Huwag natin itong i-abuso.Pag-isipan muna natin ang ating mga gagawin bago ito gawin.Maswerte tayo dahil mayron tayong kalayaan. Magpasalamat tayo sa Panginoon dahil sa kanya lang may tunay na Kalayaan.

No comments:

Post a Comment