Para sayo kaibigan
Aking matalik na kaibigan ako ay lubhang nagpapasalamat .Dahil sayo natuto ako sa buhay salamat sa mga oras na nakasama kita sa mga pinayo mo sa mga ginawa mo sa mga tinuro mo sakin . Para sayo sakin isa kang malaking regalo na binigay ng Panginoon para kayanin ko ang buhay andiyan ka pag may problema ako .Sa mga oras na kasama kita sa mga kasiyahan, kalungkutan, problema, tawanan, iyakan, biruan , tampuhan, kulitan at asaran na di malilimutan.Sa mga araw na nag daan na kasama ka ako ay lubhang sumaya.Sa halos araw araw na kasama ka mas lalo kitang nakilala .mas lalo kitang minahal ,mas lalo kitang hinangaan di kita makakalimutan aking kaibigan. para na kitang kapatid , dahil ikaw ang nagiging sandalan ko . sa mga panahong akoy nasasaktan , ikaw lang at wala ng iba pa aking kaibigan mahal na mahal kita . Para sayo kaibigan yung magiging tagumpay ko ay tagumpay mo din, at yung magiging tagumpay mo ay tagumpay ko. di kita makakalimutan sobra kitang aalagaan mamahalin kita higit sa ano pa man ganon kita ka mahal .
No comments:
Post a Comment